Sa tutuo lang minsan sagutan lang kami ng mga bloggers dito. Pag may nagtanong tyak merong sasagot kahit hindi sila ang direktong tinatanong. Bakit kaya? Siguro nagbasa sila ng blog mo or nabasa nila ang blog ko then yun na ang topic nila. Minsan ang topic ko sagot doon sa isang blogger na ang name is Cathy B. Or doon sa mga popular bloggers and writers ng blog, magazines na type kong basahin pag walang magawa. Puede ring pinag-usapan namin ng mga kapamilya, kama-anak or kaibigan. Pero hindi lahat-lahat ay puedeng icuento dahil merong nasasaktan lalo na pag hindi nila gusto yung nasabi or naisulat. So sa tutuo lang mas magandang magcuento pag fiction. At least walang magagalit or magtatampo. Kaya nga minsan mas cuela yung mga hinawi lang sa imaginasyon. Kaya lang wala nmang challenge yung ganun. O di ba?
O sige let us start with the stars. I heard that Paris H. is on tour in the Phils. Talaga? Si Paris nga ba yan? Bakit iba ang face nya sa picture? Parang nagparetoke ata. Bakit kasi itong mga artista na ito ang gaganda na nila mahilig pang magparetoke ng mukha. Pag maganda na kayo dapat contented na kayo di ba? But then sabi nga nung iba pag low self-esteem daw ganun nga ang nangyayari akala nila pag niretoke ang boobs and face nila mas lalong gaganda at sisikat sila. Or siguro dahil na rin sa advice ng managers nila. Whatever! You know what? Karamihan kasi sa mga celebrities may pag ka autistic sila kaya lagi silang victim of exploitation. Look at those starting to make a career out of being a super model. Grabe sa competition. Siraan sila ng siraan. Teka kahit hindi naman sa runway at modelling me siraan kahit saang lugar. Bakit camo? the ratio of people looking for a vacancy in the workplace is 1/1,000. Noon yan. Eh ngayon? Baka 1 in 1 MILLION. Nuong time ko when I applied at PLDT for a work there you wont believe how many thousands of people who queue to take exams. Exam lang yun wala pa yung interview. Hundred thousand applicants just for one vacancy! It's been one week to wait for the line up. Yung hindi makapag intay luhaang umuuwi. Aba naman kasi nakapila ka under the heat of the sun outside that tall building. Yung iba ayaw umalis sa pila or else somebody or group of applicants will take your space. Then aanhin mo yung may kilala sa loob or sa management eh lahat halos may kakilala or reference. Nung mag apply naman ako doon sa bank duon sa (nevermind the name) habang nag eexam ako I heard one of the employees na yung graduate daw ng Ateneo ang gusto nila. Ah leche! Biglang tayo ako and I get out from that area...right away! Kunin nyo si Rizal yun tunay na grad sya ng Ateneo. Gusto kong sabihin at itanong sa kanila Filipino ba kayo?
No comments:
Post a Comment