Nagshopping ka na ba sa Staples? Sa Canada lang ata may store na Staples. Meron na rin ba sa Amerika?
Kakaiba ang feeling pag nagshopping ka sa store nila lalo na sa bandang electronics. Masyadong maingay ang machines nila. Laging may nagkiclick at nagbebeep. Maximum overdrive na ata sila doon.
Then magshop ka naman sa Radioshack grabe na rin. Hindi ako makahinga doon. Amoy electronics. Muntik na akong masuka!!!! Siguro dahil maliit lang ang space sa store nila kaya yung amoy ng mga computer, radio, telephone, cellphones, laptop, notebook talaga namang amoy na amoy electronics.
Siyanga pala pag may computer ka sa loob ng bahay or sa loob ng cuarto mo kailangan meron kang fan or the room is aircon para hindi mag overheat ang computer. Paalala lang dahil para kasing oven yang computer. So konting ingat.
Then bigla mong buksan ang door ng Winners. Shock!!!! Grabe! Ang bantot! Ah siyanga pala pulos leather ang tinda nila. Mga original leather bags, shoes and mga clothes nila ay orig din. Kaya ganun. Mabantot!
Maselan masyado ang pang-amoy ko. Malayo ka palang amoy na kita. Ha ha ha! Ewan ko ba. Sensitive ang sense of smell ko siguro dahil medyo malabo na ang mata ko. Pero minsan perfect eyesight and vision ako. Ah kasi kailangan ko ng eye-mo once in a while.
Sabi nga nila pag malabo daw ang mata mo perfect ang pang-amoy mo. Tutuo nga! Salamat naman. Perfect din ang pang amoy ko pag something fishy na ang labanan sa internet, sa facebook at sa blogging community. Bakit kasi highly competitive kasi ang labanan dito maski sa mga television networks sa dami ng channels ngayon na umaabot sa 4,000 channels lalo na yung may satellite dish pa sa wall ng mga kapit-bahay tyak yun ang TV channels nila abot hanggang Nevada and Arizona. Siguro wala pa silang "no signal" or there's no ghost on tv screen. Maraming ghost kasi pag malalaki at matataas ang gusali. Hmm, bakit ba napunta sa ghost?
Malapit na ulit ang Halloween siempre pang batang celebration yan. Ewan ko kung type kong magjoin pero...puede na rin.
No comments:
Post a Comment