Sunday, May 8, 2011

Just Old Sentimental Lingo

Still busy in my own way. Not sewing any dress, pants, shorts or any crafts but busyness on my approach to the burgeoning task of "thinking." Ha ha ha! Akala mo kung ano na eh? Sa tutuo lang masakit ang ulo ko for two weeks now and now medyo heto presko na ang mind ko. Kasi pala may nakapa akong piraso ng sewing machine needle sa scalp ko. Yikkess! Kaya pala sobrang sakit. Parang "hellraiser." He he he he! Going crazy? As a matter of fact not yet. Sa sobrang sipag kong magtahi at sa sobrang bilis ng pasada ko sa sewing machine na akala mo rushing vehicle na ang manibela ay hawak ko sabay padyak sa pedal ayun talsikan ang needle. Buti na lang may salamin ako sa mata para protection. Imagine kung sa mata ko yun tumama. Uhm...

Nag-uumpisa na naman ako sa panibago kong nobela dahil tapos na yung 3 short nobela na ginawa ko at pinag-isipan ng husto dahil may plan yun. Sayang! Sana leche flan na lang. lol.
Hindi ko pa tiyak kung ipapublish ko sa NetNovela blog ko. Kung ipublish via kindle or publish a book? Hmm wow! Akala mo madali lang yun? Sabi ko na sa inyo kailangan ko ng printing press. Baka mas malaki pa ang magastos ko quesa mabenta. Sa tutuo lang mayayaman lang mga nagpapaprint ng book. Maliban na lang sana kung nakatira ako sa Pinas at malapit sa Quiapo then doon may printing press na puedeng magprint pero siempre may bayad din doon. Ewan. Baka legacy na lang yun for my kids.

Maya-maya tumawag ang sister ko. Aba! Nagulat ako ng batiin nya ako ng "Happy Mother's Day!." What?! Shocking! Sinusuerte eh? Anyaway binati ko narin sya ng "same to you." Then kaya pala tumawag ay dahil she's asking me if I am watching the fight (boxing) between Pacquiao and Mosley. Hah! I said no. Wala kasi kaming Pinoy channel eh. Then I looked at the TV ayun may laban din naman kaya lang Vancouver Canucks and Nashville Predators. Yan yung hockey game teams for Stanley cup champ. So the result of the hockey is disgusting! However Manny Pacquiao won ag. Mosley from what I heard this morning. Tutuo ba?

Wala akong nareceived na gift for MD. Baka yung one dozen bagels and dozen muffins from Tim Hortons yun na yung gift ng asawa ko plus 920 g. of coffee. Omg! Jokers talaga.

Sa Mother ko at sa lahat ng mother sa buong mundo HAPPY MOTHER's DAY na lang. Kung wala kayong gift from your kids and from your husband wag kayong magmukmok lilipas din yan. Eh ano ngayon di ba? Mother's Day will come and go but it will be the same old cliche' without us they wont be here in this world.

No comments: