Sa tutuo lang marami talgang mayaman sa bansang Pilipinas. Unang-una kasing dahilan ay dahil karamihan ng unang nanirahan sa Pinas ay mga haciendero. Meron silang malalaking lupa na pag-aari para sa plantasyon ng bigas, tubo, niyog at iba iba pang produkto. Mayaman and Pilipinas dahil malaki ang lupain para sa agrikultura na pag aari ng mayayaman. Higit sa lahat ang Pilipinas ang ginawang rice granary noon. Kaya lang dahil umunlad ng husto at dumami ang tao sa bansang ito parang lumiit ang lupang para lamang sa agriculture. Mas dumami ang lupaing nakaukol sa pabrika at mga pabahay at establisamiento. Sa halip na ang maging proyekto ay sa agrikultura lamang nauwi sa pabahay na hanggang ngayon ay di naman malutas dahil maraming squatters galing sa ibat ibang lugar ng Pilipinas at iba pang bansa na naging biktima ng baha, lindol at famine. Nag over population explosion ang Pilipinas pero hindi naman puede na basta basta na lang paalisin ang mga taong ito dahil na rin agreement noon sa United Nations at bilang makakristiyanong tao ang mga Filipino pinabayaan na lang nila na dumami ang mga taong ito tutal akala nila malaki ang Pinas at malaki ang resources na kayang itulong pero hindi sa lahat ang tulong na ito ay sapat. Lumalaki ang populasyon, lumiliit ang source of income. May hangganan ang lahat. Ang masaklap dito ay yung hindi dapat halungkatin nahahalungkat at yung hindi dapat madamay sa gulo ay nadadamay dahil na rin sa problema na ito. Over populated ang Luzon. Bakit kasi nagsisiksikan kayo dyan? O may nagawang remedyo, maraming nagsipag-abroad para naman hindi maging pasanin ng gobyerno, at least may other source of income. Nagpunta sa Middle East ang ating mga kababayan kahit maliit ang sueldo, kahit sobrang init, kahit malayo sa pamilya basta lang merong maipakain sa buong pamilya kayang tiisin ang problema. Meronng nakasuerte may malaking trabaho at marunong magsave yung iba pero merong mga trabahador na kahit anong paraan ng pagsave ay hindi makapagsave ng halaga para sa pamilya nya dahil maliit lang naman ang sueldo kumbaga kulang pa nga sa board and lodging nya doon sa abroad. So habang nasa Gitnang Silangan sila, yung mga tao naman na taal nakatira doon ay isa isang umaalis at nagpupunta na rin sa ibang lugar, karamihan naman sa kanila ay pumunta at nanirahan na rin sa Pinas. Naku! Hindi nyo ba alam ang story na yan? So palitan lang. Sige dito kayo tumira at magtrabaho then dyan naman sa inyo sila magtatrabaho dahil kinuha nyo ang puesto nila. Aba! Parang "trip to Jerusalem" pala ang game na ito. Pag nawalan ka ng silya, out ka. O sige ikot pa. Ikot ng ikot then pag may bakanteng silya unahan sa pag upo. Nakakatawa ba? Hindi po!Masuerte na lang ang talagang ipinanganak na mayaman siempre may mamanahing yaman ng pamilya nila. Eh pano yung walang-wala? Sa ibang bansa handang tumulong ang gobyerno sa mga ganitong pamilya meron silang welfare to take care of everything. Not in Philippines. Pag mahirap ka lalo kang maghihirap. Maliban na lang kung manalo ka sa sweepstakes or lottery.
So bakit maraming mayaman na abogado at doktor? Businessmen ba sila? Meron ba silang business aside from doing their job? Meron ba silang sideline? Uso kasi sa Pinas yung may original occupation then may sideline na pagtitinda ng iba-ibang products. Kung gusto mong magtinda ng Avon,car, tv, and other electronics, kulambo, pillows and blankets, he he hehe.
Sa atin naman kasi sa Pinas merong mga tao na hindi makabayad in cash kaya they sometimes pay their lawyers or doctors with what they have like house and lot(ito yung mga tao na walang-wala na talagang ibayad), kotse, yung iba naman jewelries, etc. Doon naman sa movie ni Michael J. Fox na doctor sya ang bayad sa kanya mga gulay > produkto sa farm nila. Ngek! Ano ba yun? Dapat doon mag tayo na lang yung doktor ng market. So halimbawa naman kung yung client mo ay 50 katao na walang ibayad kundi lupa lang aba ekta-ektarayang lupa ang bayad sa iyo anong gagawin mo? Walang cash kundi lupa lang. Eh di patayuan mo ng subdivision ganyan ang nangyayari kaya yumayaman yung iba dyan. Masama ba yun?
No comments:
Post a Comment